Hello world!

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!

>Manny Pacquaio Versus Barack Obama

>Natupad na rin ni Manny Pacquiao ang makaharap ang Pangulo ng Amerika na si Barack Obama noong Martes,  ika-15 ng Pebrero, 2011. Hindi sa ring kundi sa oval office ng White House nagsagupa sa huntahan ang dalawang pamosong pigura ng mundo.

Nagbigay si Pangulo Obama kay Manny ng 3 grocery bags na puno ng mapusyaw na asul na M&M’s na may selyo ng presidente ng USA. May selyo rin ng presidente ang regalong relo para kay Manny.

Kasama ni Manny ang asawang si Jinkee sa kanyang pagbisita sa White House. Nakipagkita rin ang pambansang kamao kay Sen. Hary Reid.

>Maria Aragon Pinuri ni Lady Gaga

>Pinuri ni Lady Gaga ang isang 10 taong gulang na Pinay na si Maria Aragon na taga Winnipeg, Canada. Napaiyak ang singer nang mapakinggan ang rendition ng bata ng kanyang kantang “Born This Way.” Dahil dito umakyat sa 1.5M hits ang Youtube broadcast ng bata sa loob lang ng isang araw mula sa 3,100 hits.

Naging panauhin din si Maria sa isang radio program sa Toronto kung saan inawit niyang muli ang Born This Way.

Si Maria Aragon na kaya ang isa pang Charice Pempenco? Abangan!

>Palladium Wedding Rings are IN!

>

Wedding bands or rings made of palladium are gaining momentum nowadays for lovers around the world. Gone are the days for gold wedding rings and the silver ones are losing their luster.


My friends who will tie the knot this June just recently bought their wedding rings from www.palladiumringsonline.com and they said that the rings are elegant and priced right. It’s a gem!

This is your chance to prove for yourselves. Take a look for a variety of design at http://www.palladiumringsonline.com/ and have that wedding day of your dream!

>3 Pinoy IPA-FIRING SQUAD sa CHINA

>
UPDATE: THE EXECUTIN HAS BEEN POSTPONED. (19 FEB 2011)

Nakatakdang i-firing squad ang 3 sa 5 Pinoy na nakadetine sa China dahil sa drug trafficking, ayon sa Department of Foreign Affairs. Tulad ng dati, nabubunyag lang ang balitang ito kapag nalalapit na ang kamatayan ng ating kababayan na may kaso sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, nakipag-ugnay na si PNoy sa pamahalaang Tsina upang isalba ang buhay ng tatlo.

Nakakalungkot lang ang pangyayaring ito dahil na rin sa pagtitiwala ng ating mga kababayan sa mga taong inaakala nilang makakatulong sa kanila. Kalimitan, hindi alam ng ating kababayan na may dala silang droga sa bagaheng ipinakisuyo sa kanila na kalimitan ay ang ahensiya o taong kumuha sa kanila upang magtrabaho sa China. Pangalawa na rin ang kapalpakan ng mga tauhan sa ating airport kung bakit nakakalusot sa ating x-ray machine ang mga drogang ito. Hindi tuloy maiaalis na patuloy ang kutsabaan ng ilang tauhan sa mga paliparan na ang katumbas ay ang buhay ng ating mga kababayan.
UPDATE: Sinabi ng pamahalaang Tsino na sa halip na firing squad, lethal injection ang igagawad sa mga “nagkasala.”
At dahil kamatayan ang parusa sa mga nagdadala ng droga sa China, hindi kaya dapat ay ganito na rin ang parusa sa mga Tsinong sa Pilipinas pa mismo gumagawa ng mga ipinagbabawal na gamot? Ang siste, nakakapagpiyansa pa ang ito sa oras na mahuli.
Firing squad din kaya ang parusa kay Congressman Ronald Singson na umaming may dalang droga nang pumasok ng Hongkong? O iba ang parusa dahil kilala, may pera at impluwensya ang mambabatas? Nagtatanong lang, kayo na ang humusga.

>Piolo Pascual – KC Concepcion’s Romance

>
Dahil Valentine’s Day ngayon, usap-usapan din ang romansang Piolo Pascual at KC Concepcion. Sinagot daw ng dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang binatang ama noong ika-23 ng Oktobre, 2010.

Ang ikinatataas ng mga kilay ng mga taong tsismoso’t tsismosa ay kung gimik lang daw ba ito o totoo na. Maraming beses na kasing “ipinalalagay” na hindi “tunay na lalaki” si Piolo Pascual kahit na nga may anak na itong binatilyo.
Well, sa mga susunod na mga araw na nating malalaman ang kasagutan sa alingawngaw na ito. Sa ngayon, hayaan muna nating maging masaya ang “magsing-irog” sa Araw na ito ng mga Puso.

>Sharon Cuneta’s Bill(bil)Board sa EDSA

>
Sana naman ay matapos na ng kontrobersya hinggil sa “pasaring” ni Hayden Kho sa billboard sa EDSA na hindi nagbibigay ng katutohanan sa madla. Inisip at/o ipinagpalagay na ang nabanggit na billboard ay ang kay Sharon Cuneta sa pag-eendorso nito sa Marie France, isang kumpanya sa pagpapayat.

Marami kasi ang nakakapansin na mas mataba naman si Sharon sa programang “Star Power” kaysa sa nakalagay sa billboard.
Dapat sana’y may inilagay na “before” at “after” yong ads. (Kayo na ang bahalang maglagay kung saang parte ito ilalagay.)
Sa kabilang dako, pinasinungalingan naman ng “xvideo king” na ang tinutukoy niyang bill(bil)board ay yaong kay Sharon Cuneta. (Bahala na rin kayo kung paniniwalaan nyo ito.)
Bumango naman ang kumpanyang Marie France dahil dito. Ang tanong: Paano maniniwala ang mga tao kung ‘lomobong” muli ang aktres?

>UP Law School Aptitude Exam 2011 Release

>Inilabas na ng UP Law School ang resulta ng Aptitude Exam 2011 kung saan ang mga pumasa ay maaaring mag-enrol sa nasabing paaralan sa school year 2011-2012. Para sa pangalan ng mga pumasa at ilan pang detalye, basahin dito:

>Trump The Art of the Deal

>
Trump The Art of the Deal – ito ang sinasabing huling libro na binasa ni Dating Kalihim ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa at Hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na si Angelo T. Rayes bago umano siya ay magbaril sa sarili sa harap ng puntod ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park sa Lungsod ng Marikina ngayong araw na ito, ika-8 ng Pebrero, 2011.

At dahil sa librong nabahiran ng dugo ni Reyes, maaaring maraming mainganyong bumili at basahin ang librong nabanggit na isinulat ng pamosong Real Estate at Media Magnate na si Donald J. Trump.
Narito ang kabuuan ng libro ayon sa webpurok na http://www.kobobooks.com at http://www.amazon.com

>Angelo Reyes, Nagpakamatay

>
Nagpakamatay ang dating hepe ng Armed Forces of the Philippines at Kalihim ng Department of National Defense na si Angelo Tomas Reyes sa harap ng libingan ng kanyang ina sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Si Reyes ay nasasangkot sa isang kontrobersyang umiikot sa AFP hinggil sa “pabaon/pasalubong” na ibinibigay sa mga hepe ng AFP na mula sa pondo ng bayan at ng United Nations. Una nang nagkaroon ng mild stroke si Reyes dito at nagsabing hindi niya maaaring dungisan ang pangalan ng kanyang ina.
Para sa dagdag na kaalaman, basahin ito:
Update: Si Gen. Angelo Reyes ay inihimlay sa Libingan ng mga Bayani noong Linggo, ika-13 ng Pebrero, 2011 kahit na marami ang bumabatikos sa pangyayaring ito. Nauna na, siya rin ay binasbasan ng huling sakramento kahit na ang ginawa niyang pagpapakamatay ay labag sa utos ng Diyos at ng Simbahan. At sana, basbasan din yaong mga taong may ganito ring uri ng pagwawakas sa sarili, mayaman man o mahirap, dahil na rin sa rason ng paring nagbigay ng basbas na ang taong nagpapakamatay ay wala sa matinong pag-iisip nang gawin iyon.