>BAHAGI NG PANANALITA – PANGNGALAN

>I. BAHAGI NG PANANALITA (Parts of Speech)

A. Pangngalan (Noun) – bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook o lugar, hayop, pangyayari, damdamin, kaisipan o ideya.
Uri ng Pangngalan
1. Pantangi (Proper Noun) – nagsasaad ng tanging pangalan ng tao, hayop at bagay at isinusulat sa malaking titik (capital letter) ang unang letra o titik ng salita.
2. Pambalana (Common Noun) – tawag sa karaniwang pangalan.
Mga Halimbawa:
Pambalana – bansa
Pantangi – Pilipinas, Tsina, Amerika
Pambalana – bundok
Pantangi – Mt. Pinatubo, Bundok Arayat
Pambalana – artista
Pantangi – Pokwang, Willie Revillame, Kris Aquino
Pambalana – lugar
Pantangi – Luneta, Robinson’s
Pambalana – lapis
Pantangi – Monggol
Kayarian ng Pangngalan

1. Payak – mga salitang likas at katutubong atin na maaaring mapag-isa
Halimbawa
lilo, lila, lambat, silo, ilog
2. Maylapi – ang mga salitang-ugat o pangngalang payak na nagtataglay ng panlapi sa unahan, gitna o hulihan man.
Halimbawa
ganda – kagandahan
isda – palaisdaan
away – mag-away
sayaw – sumayaw
3. Inuulit – mga pangngalang inuulit ang salitang ugat o ang salitang maylapi. Ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit kapag ang pangngalan ay may tatlo o higit pang pantig.
Halimbawa
tatay-tatayan
sabi-sabi
biru-biruan

Tandaan: May mga pangngalang ang anyo ay mga salitang inuulit ngunit hindi ginigitlingan sapagkat ang inuulit na mga pantig ay walang katuturan kapag napag-isa. Ang kabuuan ng mga salitang ito ay itinuturing na mga salitang ugat.
Halimbawa
gamugamo
guniguni
alaala
paruparo

Klase ng mga pangngalang inuulit
a. Pag-uulit na Parsyal – bahagi lang ng salitang-ugat ang inuulit.
Halimbawa
ari-arian
tau-tauhan
b. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong salita
Halimbawa
sabi-sabi
sari-sari

4. Tambalan – mga pangngalang binubuo ng dalawang magkaibang salita na ipinapalagay na isa na lamang.
Halimbawa
hampaslupa
sampay-bakod
akyat-bahay
bahay-aliwan
kapit-tuko


Kasarian ng Pangngalan (Gender of Noun)
1. Pambabae
Halimbawa – ate, nanay, Gng. Cruz
2. Panlalaki
Halimbawa
kuya, tatay, G. Santos
3. di-tiyak
Halimbawa
doktor
titser
huwes
punong-guro
pangulo
4. walang kasarian
Halimbawa
silya
lobo
puno

Uri ng Pangngalan ayon sa Gamit
1. Basal – pangngalang hindi nakikita o nahahawakan ngunit nadarama, nasa gawi at kaisipan,
Halimbawa
katalinuhan
pagmamahal
pagdurusa
2. Tahas – mga pangngalang nakikita o nahahawakan.
pula
ulap
3. Lansak – mga pangngalang nagsasaad ng pagsasama-sama, kumpol, grupo o pangkat.
Halimbawa
kawan
buwig
pulutong
batalyon


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s