>JUDY ANN at RYAN, IKINASAL NA sa SAN JUAN

>

Ang magnobyong Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay ikinasal na ngayong araw na ito April 28,2009 sa San Juan, Batangas. Ang reception ng kasal ay ginanap sa isang beach resort sa nasabi ring bayan. Lihim na lihim ang kasal na ito na ikinabigla rin kahit na ng mga kawani ng San Juan de Nepomuceno Parish Church. Ngayong araw rin nila nalaman na sina Judy Ann at Ryan pala ang ikakasal.

Piling-pili lamang ang naging bisita ng magsing-irog subalit sa aking palagay ay marami ang sasama ang loob sa mga artistang hindi naimbitahan, lalo na iyong itinuturing na close sa dalawa. Ngayon nila malalaman kung ganoon din ang trato ng ikinasal sa kanila. Kung wala kang imbitasyon, ibig sabihin hindi ka masyadong importante sa buhay nila. Ganito rin ang pwedeng maramdaman ng mga loyal fans nila Judy Ann at Ryan. Hindi naman nila kailangang imbitahan. Sapat na ang masilip nila ang kasal kahit na sa malaking TV monitor man lamang sa labas ng simbahan.

Sabagay, ipinalabas naman ng ABS-CBN ang footage ng kasal ng dalawa. Nagtataka naman ako kung bakit kailangang ilihim pa nang husto ang kasal. Kung talagang gusto nilang isekretong mabuti, di sana’y sa Spratly Island sila nagpakasal o kaya ay sabihin na lamang ang naganap na kasalan kapag naghiwalay na sila katulad nila Diether Ocampo at Kristine Hermosa.

2 responses to “>JUDY ANN at RYAN, IKINASAL NA sa SAN JUAN

  1. >Lets just be happy fr them as a couple, and wish them the best of everything now that they’ve entered new stage of their career..Its just amazing how they wer able to manage that secret despite of theit fame!

  2. >「終」X29X13X7XBlogger:Pinoysamutsarito”ME”「㋣吐」.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s