>MAG-INGAT SA BABOY

>

Isa na namang kinatatakutang sakit ng baboy na tinatawag na swine flu ang kumakalat sa Mexico. Sa ngayon, umabot na sa mahigit 100 katao ang namatay sanhi ng sakit. Ang mga paaralan, mga silid-aklatan at mga tanggapang pinupuntahan ng maraming tao ay pansamantalang ipinasara ng pamahalaang Mehiko upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na ito. Sa mga paliparan sa buong mundo, naglagay na ng mga temperature detector o thermal scanner upang manmanan ang mga pasaherong nilalagnat lalo na yaong galing sa Mexico at kalapit na bansa tulad ng Estados Unidos. Ilang bansa na rin ang nag-abiso sa kanilang mga mamamayan na iwasan muna ang pagbisita sa Mexico hanggang hindi pa naaapula ang pambihirang sakit na ito ng mga baboy. Pinangangambahan din na baka lumaganap ang sakit sa iba’t ibang panig ng mundo kaya todo ingat ang lahat.

Sa Pilipinas, sobrang higpit din ang pagbabantay sa mga produktong baboy na mula sa Mexico. Sa balitang ito, matutuwa ang mahihilig sa pagkain ng karne ng baboy dahil tiyak na bababa ang presyo nito sa pamilihan.

One response to “>MAG-INGAT SA BABOY

  1. >This scare will definitely put the price of pork to an all time low. Apparently, you cannot acquire the dreaded Swine Flu by consuming pork, its airborne and one way to acquire it is through kissing. Naku iiwasan ko munang mag pa kiss habang may scare pa. Hahahaha (joke 3X)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s